-- Advertisements --

Patuloy ang malawakang operasyon ng Philippine Red Cross (PRC) ngayong Semana Santa 2026, kung saan libo-libong indibidwal na ang natulungan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Batay sa update, umabot na sa mahigit 7,000 individuals ang kabuuang bilang ng catered patients.

Karamihan dito ay sumailalim sa vital signs monitoring na may kabuuang 6,514 individuals, habang naitala ang 583 minor cases, 26 major cases, at 14 patients na kinailangang dalhin sa hospitals.

Sa aspeto ng welfare assistance, nakapagbigay na ang PRC ng kabuuang 105 assistance, kabilang ang 52 psychological support, 29 referral, 20 wheel chair at senior assistance, at isang kaso ng tracing.

Malawak din ang deployment ng assets ng PRC: 75 ambulances, 1 mobile clinic, 9 volunteer emergency response vehicle, 1 rescue boat, 356 FA stations, 74 welfare desks, 85 foot patrols, at kabuuang 2000 staff at volunteers.

Saklaw ng operasyon ang iba’t ibang lugar gaya ng 141 church, 38 beach, 16 bus terminal, 67 highways, 18 seaports, at iba pang strategic areas tulad ng mall, mountains, pilgrimage sites, public market, train station, at expressway.