Sabay na ginagawa ngayon ng economic managers ang pagtugon sa kasalukuyang impact ng COVID-19 at ang post pandemic measures, kapag tuluyan nang natapos ang pagkalat ng sakit.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno, niluwagan nila ang ilang patakaran sa para magamit agad ang pondo sa mahahalagang proyekto, habang pinabilis din ang mga prosesong may kinalaman dito.
Kaya sinisikap umano nilang mapalakas ang maliliit na bangko, para maging katuwang sa pagpapasigla ng kalakalan.
“The BSP recognizes that the economy is in its nascent recovery phase. The accommodative monetary policy settings provide significant stimulus to demand & should be allowed to continue to work their way through the economy to boost recovery in private consumption and investment,” wika ni Diokno.
Sinabi ng BSP chief na hindi lamang ito nangyayari sa Pilipinas, kundi maging sa iba pang mga bansa, kaya normal action lamang na maituturing ang mga adjustment.
Samantala, sinisimulan na rin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagbalangkas ng plano para sa recovery actions ng ating bansa.
Ayon kay NEDA Director General Karl Kendrick Chua, kinokunsulta na rin nila ang iba pang ahensya para sa mas epektong hakbang upang makabangon mula sa mahinang ekonomiya.