(Update) KORONADAL CITY – Mas hinigpitan ngayon ng Isulan PNP ang kanilang seguridad kasunod nang pagkakahuli ng prime suspect sa pambobomba sa naturang bayan na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng halos 30 iba pa, dalawang taon na ang nakakalipas.
Ayon kay Isulan PNP chief of police Lt. Col. Modesto Carrera sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, nakaalerto sila sa ngayon lalo na’t inaasahan ang paghihiganti ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) local ISIS group matapos maaresto ang suspect na si Norhasim Esmail alyas Momong Esmail, 25, na residente ng Maguindanao.
Dagdag pa ni Carrera, nakipag-ugnayan na sila sa Philippine Army upang madagdagan ang police at army forces sa naturang bayan.
Una nang, naglaan ang provincial government ng P1 million reward sa sinumang makapagtuturo sa suspek.