Itinturing na isang malaking advantage para kay San Miguel Beermen player June Mar Fajardo kapag iniurong pagsisimula ng 46th season ng PBA.

Sinabi ni Beermen team manager Gee Abanilla na kapag ipinagpaliban ang nasabing pagbubukas ng PBA ay may panahon pa para sa tuluyang paggaling ni Fajardo.

Kasalukuyang nagpapagaling kasi si Fajardo matapos na magtamo ng fractured right tibia o shinbone ito noong sila ay nag-eensayo.

Nauna ng ipinapanukala ang pagpapaliban ng pagbubukas ng PBA dahil sa patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.