-- Advertisements --

Hinikayat ni Pope Leo XIV ang Simbahang Katolika na kontrahin ang paglaganap ng kakulangan ng pananampalataya.

Sa kaniyang unang misa sa Vatican isang araw matapos na ito ay mahalal bilang ika-267 na Santo Papa ay hindi niya ikinaila na marami na ang lumalayo sa Simbahan.

Ilan sa mga dahilan aniya kung bakit lumalayo ang mga tao sa Simbahan ay dahil na rin sa teknolohiya, pera, tagumpay, kapangyarihan at karangyaan.

Mahalaga sa Simbahan na magsilbi bilang ilaw para magsilbing gabay sa mga nawawala sa landas.