-- Advertisements --

VATICAN – Patuloy na nagpapagaling pa rin si Pope Francis matapos na sumailalim sa intestinal surgery, at unti-unti na ring bumabalik sa kanyang trabaho, ayon sa Vatican.

Kamakailan lang ay sumailalim ang 84-anyos na si Pope Francis sa tatlong oras na operasyon para alisin ang bahagi ng kanyang colon.

Ayon kay spokesman Matteo Bruni, patuloy pa ring sumasailalim sa prescribed treatment si Pope Francis.

Ito ang unang pagkakataon na isiniguod sa ospital si Pope Francis matapos siyang naging Santo Papa noong 2013. (Reuters)