-- Advertisements --

Tiniyak ni Pope Francis na hindi niya kukunsintihin ang mga pang-aabusong sekswal ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika.

Sinabi nito na hindi maaring ituloy ng isang pari ang pagiging pari kung siya ay nang-aabuso.

Itinuturing niya ito na “isang halimaw” ang mga pari na nag-aabuso sa mga kabataan.

Hindi naman aniya itinanggi ng Santo Papa na may mga nagaganap na pang-aabuso sa mga pari.

Isa sa pinakahuling sexual abuse ng mga pari na nai-report ay sa Portugal kung saan nasa 400 katao ang nagtestigo.