-- Advertisements --

Idineklara ni Pope France ang paparating na Ash Wednesday sa Marso 2 bilang international day of fasting and prayer for peace.

Ayon sa Santo Papa na sa nasabing araw ay umaapela ito sa lahat ng panig na mag-abstain mula anumang hakbang na magdudulot ng paghihirap sa mga tao.

Magugunitang inanunsiyo ng US, European Union, Britain, Australia, Canada at Japan ang plano nilang sanctions na ang target ay mga bangko at habang ang Germany ay puputulin ang suplay ng pangunahin gas pipeline project mula sa Russia.

Ito na ang pangalawang beses na nanawagan ang Santo Papa ng international day of prayer for peace sa Ukraine na ang una ay noong Enero 26.