-- Advertisements --

Patuloy na mino-monitor ng weather state bureau ang  Tropical Storm Pilandok  sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa inilabas na 2:00 P.M weather update nitong Miyerkules.

Huling namataan ang sentro ng Pilandok sa layong 1,080 Silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang hangging dala na 65km/h at pagbugsong umaabot sa 80km/h. Kumikilos ang ito sa bilis na 10km/h, patungong west northwesward

Inaasahang inaasahang lalabas ng PAR ang tropical strom Pilandok sa Huwebes ng umaga Setyembre 3, habang patuloy na binabantayan ang anumang pagbabago sa lakas at direksyon nito.

Samantala, mino-monitor din ang Tropical Storm Sausdel na nasa labas ng PAR. Huling namataan ito sa layong 480km West Northwest of Itbayat, Batanes na may lakas ng hanging 65km/h at pagbugsong hanggang 80km/h. Mas mabilis itong kumikilos sa bilis na 20km/h, patungong East Northeastward

Bukod dito, isang Low Pressure Area na nasa labas ng PAR ang binabantayan din. Ito ay nasa layong 2,765 East of Central Luzon at may mababang tsansa  na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at subaybayan ang mga susunod na opisyal na weather bulletin para sa anumang pagbabago sa galaw at lakas ng mga weather system.