-- Advertisements --
2 low pressure area na namataan sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility ang patuloy na mino-monitor ng weather state bureau.
Batay sa 8:00 P.M na weather bulletin update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang isang low pressure area s loob ng PAR sa layong 540km hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Samantala ang isa namang LPA na nasa labas ng PAR ay namataan sa layong 1,525km silangan ng hilagang Luzon.
Ang parehong LPA ay may posibilidad na maging ganap na tropical depression sa susunod na 24 na oras.















