-- Advertisements --

Batay sa 2: 00 A.M weather bulletin update ng weather state bureau ngayong Martes, Setyembre 15, isang tropical depression ang patuloy na minomonitor ng weather bureau upang matukoy ang galaw at posibleng epekto nito sa bansa.

Namataan ang lokasyon ng tropical depression sa layong 2,675 kilometer East of Eastern Visayas.

Taglay ng tropical depression ang maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa sentro nito, habang umaabot naman sa 70 km/h ang pagbugso ng hangin Patuloy na sinusubaybayan ang lakas nito upang makita kung magkakaroon ng pagbabago sa mga susunod na oras.

Kumikilos ang tropical depression sa bilis na 15 km/h sa direksyong North Northeastward patuloy na binabantayan ng weather bureau ang posibleng direksyon ng bagyo.

Pinapayuhan naman ang publiko, lalo na ang mga nakatira sa silangang bahagi ng bansa, na manatiling alerto at sumubaybay sa mga susunod na weather bulletin at opisyal na abiso ng weather bureau. Patuloy na maglalabas ng update ang ahensya sakaling magkaroon ng pagbabago sa kondisyon at galaw ng tropical storm.