ROME – Hindi na muna masisilayan si Pope Francis sa nakagawiang Easter ceremony sa Vatican.
Ito ang naging abiso matapos ang lumalalang kondisyon ng kalusugan ng 87-year-old Catholic pontiff.
“To preserve his health ahead of tomorrow’s vigil and the Easter Sunday mass, Pope Francis will this evening follow the Way of the Cross at the Colosseum from the Santa Marta Residence” pahayag ng Vatican.
Maging ang ibang aktibidad ay hindi rin muna madadaluhan ni Pope Francis, alinsunod na rin sa rekomendasyon ng kaniyang mga manggagamot.
Noong nakaraang taon ay hindi rin siya nakarating sa ilang holy week events dahil sa pagkaka-ospital na dulot ng bronchitis.
Noong nakaraang buwan, inamin din ng Vatican na nagkaroon ito ng “light flu” kaya hindi nakadalo sa ilang aktibidad at sa halip ay ipinababasa na lang muna ang kaniyang mensahe tuwing may mga seremonya. (AFP)