-- Advertisements --

Aabot sa 11 kapulisan ang tinanggal sa puwesto dahil sa isyu ng usapin ng operasyon ng iligal na sugal na jueteng sa lalawigan ng Pangasinan.

Kasamang tinanggal sa puwesto ang director ng Pangasinan Police Provincial Office at ilang mga hepe ng kapulisan sa iba’t-ibang bayan kung saan may operasyon ng iligal na sugal na jueteng.

Kinabibilangan ito nina PCol. Arbel Mercullo; PLTCol. Jessie Balinag, PLT.Col. Quintin Casabar, PLt. Col. Zaldy Fuentes, PLT.Col. Arvin Jacob; PLt.Cole. Norman Ranon; PMAJ. Noel Cabacungan; PMaj. Ramsey Ganaban; PMAJ. Peter Paul Sison, PCPT.Benedict Espinoza; PCpt. Christopher Nacional.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief BGen. Randulf Tuaño, na epektibo ang nasabing pagtanggal sa mga opisyal nonog Abril 27.

Ang mga nasabing opisyal ay ilalagay muna sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa Camp Crame.

Magugunitang mahigpit na ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr ang mahigpit na pagpaparusa sa mga kapulisan na nasa likod ng anumang uri ng iligal na gawain.