Pinarangalan bilang “Best New Banknote or Banknote Series” ang first Philippine Polymer Banknote Series (FPPBS) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng International Association of Currency Affairs (IACA), isang non-profit na pandaigdigang organisasyon sa industriya ng pera.
Kinilala ng IACA ang makabago at natatanging mga security features ng FPPBS gaya ng dynamic value panel, transparent window, at shadow thread. Pinuri rin ang mga disenyo ng perang papel bilang kapansin-pansin at mahalaga sa kultura.
Mababatid na ang FPPBS, ay may mga denominasyong P500, P100, at P50, ay opisyal na inilunsad noong Disyembre 2024, kasunod ng unang polymer banknote na P1,000 na inilabas noong 2022.
Batay sa isang survey ng BSP, karamihan umano sa mga Pilipino ay suportado ang paggamit ng polymer na pera dahil ito’y mas matibay, malinis, at makabago.