-- Advertisements --
BGeneral Bernard Banac
Brig. Gen. Bernard Banac/ FB image

Lalo pang pinaigting ng PNP ang operasyon laban sa iligal na droga sa kabila ng isyu patungkol sa “ninja cops.”

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, tuloy-tuloy pa rin ang kampanya kontra iligal droga at ang internal cleansing laban sa mga tiwaling pulis at nananatiling matatag ang PNP sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Sinabi ni Banac, wala rin siyang nakikitang problema sa relasyon ng PNP at PDEA sa kabila nang pagtestigo sa Senado ni PDEA Director Aaron Aquino kaugnay sa isyu ng mga ninja cops.

Ani Banac, maari lang aniyang nagkaroon ng kaunting hindi pagkakaunawaan pero hindi naman ito nakakaapekto sa relasyon ng dalawang organisasyon.

Magugunitang binawi ng PNP ang 15 security escorts ni Aquino kamakailan, pero ipinaliwanag ng PRO3 na ito ay dahil sa kailangan nila ang mga pulis sa SEA Games at walang kinalaman sa “ninja cops” issue.

Pero tiniyak naman ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na ikokonsidera nila ang request ni Aquino na ibalik ang kanyang orihinal na security detail.

Sa ngayon apat na police escort lamang ang ibibigay kay Aquino.