-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magkakaroon ng maximum police visibility sa mga paaralan at ilan pang tambayan ng estudyante ngayong papalapit na ang pagbbalik-eskwela ng mga estudyante sa susunod na Lunes.

Ito ang inihayg ni Police Regional Office III Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo sa isang pulong balitaan sa Kampo nitong Martes.

Aniya, nagbigay na ng utos si PNP Chief PGen. Nicolas Torre III sa mga field commanders para makipagugnayan sa mga paaralan para alamin ang mga partikular na concerns ng mga magulang lalo na pasukan na sa mga susunod na araw.

Tiniyak rin ni Fajardo na babantayan nila ang mga concerns na ito at nakahanda ang kanilang hanay para rumesponde sa kahit anumang mga emergencies sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante lalo na ang mga nasa elementarya.

Kasunod naman ito ay nabigyan na rin ng orientation ang mga security officers ng mg paaralan na dapat masiguro na ang mga susundo sa mg bata ay mga otorisadong guardian ng mga ito at huwag basta-basta palabasain agad ang mga estudyante para matiyak na mananatiling ligtas ang mga ito hanggang sa kanilang paguwi.

Samantala, muli namang tiniyak ng PNP na mayroong sapat na mga tauhan ng itatalaga sa mga paaralan para matiyak na hindi mabibiktima ang mga estudyante ng mga masasamang loob na nagmamatyag sa kanila.