-- Advertisements --

Sinagot ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging pahayag ni Sen. Imee Marcos na maaari umanong sampahan ng kaso si PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil at maging si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief MGen. Nicolas Torre III kaugnay pa rin sa naging pagaresto kay dating pangulo Rodrigo Roa Duterte na siyang kasalukuyang tinatalakay sa Committee on Foreign Relations ng Senado.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni PRO III at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na handa ang mga hepe na harapin ang kahit ano mang criminal at administrative cases na maaaring ihain ni Sen. Marcos laban sa kanila sa kahit ano mang proper forum.

Kasunod nito ay muling binigyang diin ni Fajardo na ang tanging ginampanan lamang ng PNP sa pagaresto sa dating pangulo ay ang pagaabot ng assistance sa Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) para sa implementasyon ng red fusion notice para kay datng pangulong Duterte.

Ani pa ni Fajardo, naniniwala ang mga hepe na ang kanilang mga naging kilos sa naging pagresto sa dating opisyal ay batay at naayon sa batas at sumasailalim pa rin sa kanilang sinumpaang mandato bilang bahagi ng organisayon ng PNP.

Samantala, matatandaan naman na nauna nang inihyag ni Senadora Marcos na maaring political motive at politically inclined ang naging pagaretso sa dating pangulo.

Sa ngayon patuloy nmang tinatalakay sa komite ang mga naging gamapanin ng PNP at ng CIDG sa naging proseso ng pagaresto sa dating opisyal at kung dumaan nga ba sila sa tama at legal na proseso.