Tinuturing na major accomplishment ng Police Regional Office 6 (PRO-6) ang matagumpay na operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mahigit P1.1 million na halaga ng iligal na druga sa loob lang ng isang araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PLt Col Arnel Solis, spokesperson ng PRO-6,sinabi nito na walong mga drug suspects ang naaresto sa separadong mga operasyon.
Sa operasyon sa Zone 3, Barangay Sto. Nino Norte, Arevalo, Iloilo City, anom ang mga nahuli kabilang na ang isang barangay kagawad kung saan 26 sachets ng shabu sa halagang Php 374, 000.00 ang nakuha mula sa kanila.
Samantala, sa operasyon naman sa Bacolod City, dalawang High Value Individuals ang nahuli sa Barangay Mandalagan, Bacolod City.
Kabuunang 110 grams naman ng shabu ang nakumpiska sa kanila at nagkakahalaga ng Php 748, 000.00.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165, ‘The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’ ang kakaharapin ng mga arestado.