-- Advertisements --

BICOL1

Inalerto ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang mga police commander sa Bicol at Eastern Visayas gayundin sa iba pang lugar at inatasang tumulong sa paghahanda ng mga Lokal na Pamahalaan tungkol sa epektong dulot ng bagyong Jolina.

Ayon kay Eleazar, inatasan nya ang mga pulis sa mga apektadong lugar ng bagyo na makipag-ugnayan sa kani-kanilang LGUs sa paghahanda at pagresponde sa anumang epekto nito.

Kasunod nito, inatasan nya rin ang iba pang Police Regional Offices na i-standby ang kanilang mga tauhan at kagamitan pra sa evacuation, search and rescue at iba pa.

Pangunahing utos ni Eleazar, tiyaking ligtas ang lahat sa kasagsagan ng bagyo.

Base sa tracking ng PAGASA, naglandfall ang bagyong Jolina sa Hernani, Eastern Samar, Lunes ng gabi.

Nakataas naman ang Signal number 3 sa katimugang bahagi ng Eastern Samar at Samar provinces.

Samantala, nanawagan din si PNP Chief sa publiko na sumunod sa mga aksyon ng kanilang lokal na pamahalaan, lalo na sa preemptive evacuation, upang hindi na malagay sa alanganin ang kanilang buhay at ang kanilang pamilya.