LAOAG CITY -Naalarma ang Philippine National Police (PNP) sa bayan ng Vintar matapos maitala ang sunod-sunod na insidente ng pagkalunod ng dalawang bata sa bayan ng Vintar dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Kinilala ni P/Cpt Roi Manuel Ordonio, chief of police ng Philippine National Police sa naturang bayan, ang biktima na 4 taong gulang na batang lalaki na residente ng Sitio Dungcal sa Brgy. 23 San Matias dito sa lungsod ng Laoag.
Ayon sa imbestigasyon, nagpunta ang pamilya Navaro sa Bislak River sa Brgy. 5 San Ramon para sa isang piknik. Habang naliligo ang mga bata, nag-iinuman ang kanyang ama at iba pang kasama.
Nang pauwi na ang pamilya mula sa kanilang family bonding, napansin ng ama ng biktima na nawawala ang kanyang bunsong anak sa tatlong magkakapatid.
Sinabi ni Ordonio na agad na tummalon ang tiyuhin ng biktima sa ilog na hanggang baywang ang lalim na kung saan natagpauan itong wala ng buhay.
Sinubukan ng Rural Health Unit at Municipal Risk Reduction Management Office na isagawa ang Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) sa bata ngunit hindi ito nailigtas.
Nagbigay ng mensahe si Ordonio sa mga Barangay Officials ng Vintar na palakasin ang panawagan sa publiko na mag-double ingat sa pagtutungo sa mga ilog upang maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod.
Dagdag pa ni Rochelle Navaro, tiyahin ng biktima, sa halip na magdiwang, naging malungkot ang kanilang family bonding dahil sa insidente.
Sinabi rin niyang umabot ng 30 minuto bago natagpuan ang katawan nito.