-- Advertisements --

bodycam4

Asahan na sa darating na mga araw ay magagamit na ng mga police operatives ang biniling baong mga body camera ng PNP.

Ayon kay PNP Directorate for Logistics director Maj. Gen. Angelito Casimiro, kabuuang 2,696 ang mga body camera na na-procure na nagkakahalaga ng P289 million.

Kinumpirma rin ni Casimiro na pinirmahan na ni Sinas ang final acceptance document para sa nasabing equipment noong April 27, 2021 kung saan agad ito ipinadala sa NCRPO at maging sa mga siyudad sa buong bansa.

Sa ngayon natanggap na ng mga police stations sa Metro Manila ang mga body camera na ipinagkaloob sa kanila ng Philippine National Police (PNP).

Gayunman, sinabi ni Casimiro na tinitingnan nila ang privacy issues sa body camera sa paggamit dito bilang ebidensya sa korte.

Hindi pa kasi tapos ang mga protocol sa paggamit nito.

Inaaral na aniya ito sa ngayon ng Directorate for Operations (DO) para matiyak na walang malalabag na karapatan.

Nabatid na bumili ng mga dagdag na body cameras para sa transparency sa police operations sa gitna na rin ng alegasyon ng summary execution at pagtatanim ng mga ebidensya sa giyera kontra iligal na droga.

Sinabi ni Casimiro na isa sa legasiya na maiiwan ni outgoing PNP chief Gen. Debold Sinas na ang mga patrolling police personnel ay equipped na ng body cameras.

“The DO is in the process of finishing the final protocols in the use of the video in the presentation of evidence to the court. That is the challenge for now especially as there are now privacy rules. So our DO will be finalizing the memorandum circular on protocols of presentation,” wika pa ni Gen. Casimiro.

Inihayag din ni Casimiro na sa ngayon umaapela rin sila ng dagdag na pondo para doon naman sa mga Municipal Police Station para magkaroon din ang mga ito ng body camera.

Sa ngayon kasi sa NCR at mga siyudad lamang sa buong bansa ang mayroong body camera.

“And we will be appealling for some funds so all police stations will be equipped,” pahayag pa ni Casimiro.