Aminado ang pamunuan ng pambansang pulisya na lume-level up na rin ang mga kriminal ngayon kaya, kaya hindi imposibleng magha hire ang mga ito ng mga highly skilled criminals gaya ng sniper.

Ayon kay PNP Spokesperson PSSupt. Benigno Durana, lahat gagawin ng mga kriminal mapatumba lamang ang kanilang mga kalaban.

Una ng nagpahayag ng pagkabahala ang publiko dahil sa paggamit umano ng sniper ngayon ang mga kriminal.

Itoy kasunod sa pagbaril patay kay Tanuan Mayor Antonio Halili sa pamamagitan ng isang sniper.

Aniya, may mga hakbang na ginagawa ngayon ang PNP kaugnay dito.

Sinabi pa ng opisyal na ang mga naitalang patayan sa bansa ay isolated cases lamang.

Gaya ng pagpatay kay Fr. Richmond Nilo, Mayor Tony Halili at kay si Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija ay mga isolated case lamang.

Sa katunayan pa nga aniya ay bumaba ang crime volume sa bansa.

Batay sa survey ng pulse asia mula sa 7.6 percent na crime rate ay bumaba sa 6.6 percent ang crime rate sa bansa ganito rin aniya survey ng gallup survey kung saan bumaba ang krimen sa bansa.

Dagdag pa ni Durana, sabayan nalang nang panalangin para maresolba agad ang kaso ng pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili kung saan gumamit ng sniper ang gunman.