-- Advertisements --

Sumampa na sa 14,676 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID 19 sa hanay ng Philippine National Police o PNP makaraang madagdagan ito ng 234 na bagong kaso.


Ito ay batay sa datos na inilabas ng PNP Health Service at iniulat ng Administrative Support to COVID 19 Operations Task Force (ASCOTF).

Nangunguna ngayon ang National Operations Support Unit sa may pinakamataas na naitalang bagong kaso ng COVID 19 na nasa 73, sinundan ito ng NCRPO na may 69.

Sumunod ang CAR na may 15, tig – 14 naman sa National Headquarters at ILOCOS, tig – 13 sa National Administrative Support Unit at CALABARZON.

Siyam ang naitala sa CAGAYAN VALLEY, 5 sa CENTRAL LUZON, 3 sa ZAMBOANGA PENINSULA, 2 sa CENTRAL VISAYAS habang tig – 1 naman ang naitala sa MIMAROPA, DAVAO REGION, CARAGA at SOCCSKSARGEN
Sa nabanggit na bilang ay 2,245 dito ang aktibong kaso at kasalukuyang isinasailalim sa gamutan, 146 naman ang mga nadagdag sa mga gumaling kaya’t sumampa na sa 12,394 ang total recoveries habang nasa 37 pa rin ang bilang ng mga nasawi.