Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na sila ay nakahanda sa “worst-case scenario” sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Odette.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, nakaalerto na ang mga pulis para magsagawa ng rescue operation dahil sa posibleng lawak ng mga maapektuhan ng Tropical Cyclone Odette.
Mahigpit na rin aniya nakikipag ugnayan ang PNP sa mga Local government units at iba pang concerned agencies para mas mapag handaan ang epekto ng bagyo.
” We have our troops on standby as support force in case of emergencies. If there is a need for the PNP to assist in the safe evacuation of residents living in hazard-prone areas, then they count on us,” pahayag ni Gen. Carlos
Ayon naman kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, may standby force din sila sakaling kakailanganin, para sa rescue at evacuation ng mga residenteng nakatira sa mga hazard prone areas.
Binigyang-diin ni Alba na sa ganitong panahon ay mas maiging magkaisa para hindi maging malala ang epekto ng Bagyong Odette.