ILOILO CITY – Nagsagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga pulis sa nangyaring ambush sa isang van sa Barangay Aglalana, Passi City, Iloilo kung saan dalawa ang patay at isa ang sugatan.

Ang mga namatay ay sina Jennylyn Griño, 32, residente ng Tanza Esperanza, Iloilo City Proper at Jomar Fuentes, 18, residente ng Panit-an, Capiz.

Sugatan naman si Kenneth Campos Dorado, residente ng Bahit, Panit-an, Capiz.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pol. Lt. Col. Dennis Pamonag, hepe ng Passi City Police Station, sinabi nito na sa inisyal na imbestigasyon, nakulong sina Griño at Dorado dahil involved umano sa iligal na droga.

Si Dorado ay may rekord rin na frustrated murder.

-- Advertisement --

Napag-alamang tinadtad ng bala ang van lulan ang mga biktima noong Sabado at nakatakas naman ang dalawang gunmen lulan ng Toyota vios.