-- Advertisements --

Hinigpitan ng PNP ang pagsasala sa mga kapulisan na nakatalaga sa iba’t-ibang unit ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, na mayroong kautusan sa mga station commander na isailalim sa matinding pagsasala sa mga kapulisan na itatalaga sa Drug Enforcement Unit (DEU).

Dapat ay pirmado ng mga station commader ang dokumento kung saan nagsagawa sila ng background check sa mga pulis.

Madadamay ang station commander kung sakaling masangkot sa iligal na droga ang isang pulis na nakatalaga sa anti-drug department.