Nagbabala si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na sasampahan ng kasong administratibo ang mga pasaway na opisyal na hindi tatalima sa kaniyang kautusan lalo na mahigpit nito pinagbabawal na maglaro ng golf at iba pang mga sports sa oras ng trabaho.

Una nang sinampulan ni Gamboa ang tatlong opisyal na sina PRO 7 Chief Comptroller Col. Dennis Artil, PRO7 Finance Service chief Lt. Col. Richard Bad-Ang at PRO7 PDEG chief Lt. Col. Glenn Mayam.

Ang tatlong opisyal ay halos araw-araw naglalaro ng golf.

Siniguro ni PNP chief na dadaan sa due process ang tatlong sinibak na police officials.

Sinabi ni Gamboa hindi siya magdadalawang isip na sibakin sa pwesto ang mga opisyal na hindi sumusunod sa patakaran.

-- Advertisement --

Nilinaw naman ni Gamboa na pinapayagan niya na maglaro ang mga opisyal lalo na kung weekend at holidays pero hindi pwede pag weekdays dahil may trabaho.

Giit nito dapat alas-8:00 ng umaga nasa opisina na ang mga pulis.