CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak muli ng Police Regional Office 10 na kaunting panahon na lang at mahuhubaran ng maskara ang tunay na nasa likod ng sniping incident kay Deputy House Speaker at incumbent Misamis Occidental 2nd District Rep Henry Oaminal subalit tumama ang bala ng M-16 rifle sa mukha ni Lopez Jaena town Mayor Michael Gutierrez na ikinasawi nito sa Tangub City noong Disyembre 2021.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PRO 10 spokesperson Lt Col Michelle Olaivar na mag-ilang araw na ang kanilang tropa na mayroong sinusundan na hindi muna pinangalanan na mga personalidad na magbigay-linaw at magtukoy sa motibo ng kremin kapag mahuhuli na nila ito.
Sinabi ng opisyal na marami silang anggulo na ikino-konsidera subalit makokompirma lamang ito kapag hawak na nila ang ilang tinutugis nila na persons of interests.
Ginawa ni Olaivar ang muling pagtitiyak matapos ang apela ng pamilya ng mayor bago ito inihatid sa kanyang huling hantungan sa Lopez Jaena kahapon.
Una nang inamin ng pamilya Gutierrez na masyado pang mabibigat para sa kanila na tanggapin ang sinapit ng akalkde.
Ang namatay na mayor ay magsisilbi sanang vice gubernatorial candidate ni Oaminal na tumakbong gobernador laban kay incumbent Misamis Occidental Governor Philip Tan.