Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang karagdagang anim na baril ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon sa PNP na ipinasakamay ng abogado ng Senador ang nasabing mga baril.
Pinangasiwaan ng PNP Firearms and Explosives Office and the Regional Civil Security Unit 4A (Calabarzon) sa pakikipag-ugnayan sa mga kapulisan sa bahay ng Senador sa Silang, Cavite para sa temporary safekeeping.
Dahil dito ay mayroon ng 26 na mga baril ng Senador ang nasa kustodiya ng PNP.
Noong Hunyo 11 kasi ay ipinasakamay ng abogado ng Senador ang 20 mga armas.
Mayroon pang 91 na mga armas ang Senador sa kabuuang 117 na baril na nakarehistro sa pangalan ng Senador.
Magugunitang naglabas ng kautusan ang PNP Firearms and Explosives Office na-irevoke ang lisensya ng baril ng senador matapos ang paglabas ng warrant of arrest nito dahil sa war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.















