-- Advertisements --
Plano ngayon ng ilang mga naaresto ng Makati City PNP na maghain ng reklamo dahil sa hindi pagsunod ng mga protocols at pinagbawalan din ang mga ito na makausap ang kanilang abogado.
Sinabi ni Atty. Fudge Tajar, na hindi man lamang binasahan ng mga kapulisan ng miranda rights ang mga naaresto at ipaalam ang kanilang paglabag.
Nag-imbento daw ang mga kapulisan dahil wala namang nagawang sayawan sa lugar.
Magugunitang nasa mahigit 100 katao ang inaresto sa isang resto bar na kinabibilangan ng 91 na customers at 19 empleyado kasamang naaresto ang TV host na si KC Montero.