Pinatitiyak ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na masusunod pa rin ang minimum health standards ng COVID-19 sa mga matataong lugar tulad ng mga mall at shopping center.
Ito ang ipinag-utos ni Eleazar kasabay na rin ng direktiba nito sa lahat ng pulis na paigtingin ang kanilang presensya ngayong nagsimula na ang tradisyunal na “ber” months.
“The PNP will still focus primarily on the implementation of public health safety protocols because amid the challenges we are facing, it is still important that every Filipino family is safe and together in their homes towards the celebration of Christmas,” pahayag ni Gen. Eleazar.
Ayon sa PNP chief, kadalasang tumataas ang crime rate sa tuwing sumasapit ang panahong ito ng ber months na hudyat ng pagsisimula rin ng mahabang kapaskuhan.
Dahil hindi pangkaraniwan ang mga panahong ito ani Eleazar dulot ng COVID-19 pandemic dapat ay mas maging maingat lalo’t dumarami pa ang mga nadidiskubreng variant ng virus.
Kaya naman patuloy ang panawagan ng PNP sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuntunan kapag lalabas ng bahay ngayong may pandemiya.
“Even though the situation during the ‘ber’ months this year is not the same as before due to the coronavirus pandemic, the PNP will remain alert to keep an eye on some criminals like snatchers who are out to take advantage of the situation and other stubborn people who are in markets like Divisoria and other places,” dagdag pa ni Eleazar.