-- Advertisements --

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang Muslim Community bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at pag-unlad ngayong selebrasyon ng Eid’l Adha.

Binjgyang diin ng PNP ang mahalagang papel ng pananampalataya at kababaang loob na siyang mga katangian na pundasyon ng Islam at sumasalamin din sa diwa ng pagka-Pilipino.

Kinilala rin ng organisasyon ang nagiging papel ng Muslim Community sa pagpapanatili ng kapayapaan at maging sa pagbuo ng nasyon na siyang pundasyon at umpisa ng pagsulong ng mas maunlad na Pilipinas.

Kasunod nito ay tiniyak naman ng PNP na patuloy silang maninindigan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mamamayang Pilipino.

Samantala, patuloy namang isinusulong ng PNP ang pagresto, pagkakaisa at pagbibigay ng unawa sa ibat ibang mga sektor ng lipunan anuman ang kanilang relihiyon.