(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Tumanggi munang kompirmahin ng pulisya na target ng hindi pa kilalang snipers na ipatumba ay si Deputy House Speaker at Misamis Occidental 2nd District Rep. Henry Oaminal habang nasa kasagsagan ng kanilang Christmas party sa Barangay VII Polao,Tangub City.
Ito’y matapos naganap ang pag-atake ng suspected snipers nang magbigay mensahe na si Oaminal sa harap ng mga kasamahan nitong kapwa mga kandidato ng Team Asenso -PDP-Laban Party kung saan tinamaan ng hindi pa tukoy na uri ng bala ang batok o likuran na bahagi ng leeg ni incumbent Lopez Jaena Mayor Michael Gutierrez at nadamay rin si former Oroquieta City Mayor Jason Almonte.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Misamis Occidental Provincial Police Office Director Col Rolindo Suguilon na masyado pang maaga upang bubuo ng teorya na mahirap naman na mapatunayan kaya nilaliman pa nila ang ginawa na imbestigasyon.
Sinabi ni Suguilon na ang mahalaga sa kasalukuyan ay kapwa na ligtas si Gutierrez na sumailalim na sa operasyon ng kanyang ulo habang nakalabas na sa pagamutan si Almonte.
Si Oaminal ay tumakbo bilang gobernador habang running mate nito si Gutierrez at pagka-kongresista naman ng unang distrito si Almonte.
Kaugnay nito,mariing tinuligsa naman ni Ozamiz City Mayor Ando Oaminal ang nasa likod nang pagtatangka sa buhay ng kanyang ama at mga kasamahan nila ng partido.
Samantala,naglabas naman pakikidalamhati si incumbent Misamis Occidental Provincial Governor Philip Tan na mahigpit na katunggali ni Oaminal sa 2022 elections.
Sinabi ng kanyang Facebook post na umaasa ito na malagpasan ni Gutierrez ang kinaharap na krisis at hinakayat ang PNP na imbestigahang maigi upang matukoy ang mga tunay na nasa likod ng kremin para mananagot sa mga nalalabag na batas.