Mahigpit na ipinag-utos ni PNP OIC Lt. Gen. Guillermo Eleazar na ibalik ang mga strikong health protocols sa lahat mga kampo ng pulis.
Ayon kay Eleazar, sa pulong na isinagawa ng mga senior police officers kasama ang PNP Health Service, pinag usapan ang mga paraan para maiwasan ang pagkalat ng Covid 19 sa kanilang hanay.
Kasunod nito, kanyang inatasan ang mga unit commanders kasama ang station health units na i-monitor kung ito ba ay masusunod.
Matatandaan na noong nagpatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila noong nakaraang taon, naglagay ng mga foot bath para sa mga tao sa mga gate ng kampo at bawat pumapasok sa kampo ay dumadaan sa disinfection booth at medical triage.
Kasama din dito ang paglilimita ng face to face transaction ng mga frontline services, limitadong office personnel, at istriktong disenfection sa bawat tanggapan pulisya sa buong bansa.
Pero nang bumaba ang quarantine status ay nagkaroon din sila nag pagluluwag.
Binigyang-diin ni Eleazar, na official visit na lang ang pinapayagan sa Camp Crame.
” Yes, nagpalabas kami ng directive reminding everyone to strictly observe the minimum health protocols to be closely monitored by respective unit commanders and station health units. In Camp Crame, we are reiterating our previous directive that our offices inside the camp are restricted for visitors unless on official purpose,” mensahe ni Lt.Gen. Eleazar.