Ipinag-diriwang ng Philippine National Police (PNP) kahapon, January 31,2022 ang kanilang ika-31st Founding Anniversary kung saan si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na dating hepe ng Pambansang Pulisya ang siyang panauhing pandangal.
Binati ni Dela Rosa ang PNP sa kanilang remarkable accomplishments lalo na sa kanilang internal cleansing at mga hamon na kinakaharap partikular ngayong panahon ng pandemya.
“As the former Chief and father of the PNP, I have witnessed how everyone works hardly, contribute and do their shared responsibility, and even in many instances went beyond the call of duty just to ensure the safety and security of our public. Mahalagang gunitain natin ang araw na ito na syang simbolo ng inyong sinumpaang mandato, mula sa pagpapatupad ng batas, pagsugpo ng krimen at iligal na droga, paglaban sa terorismo, pagtulong sa mga nasalanta dala ng kalamidad at pagiging katuwang ng ating gobyerno sa patuloy na hamon ng kasalukuyang pandemya” pahayag ni Sen. Dela Rosa.
Sa kabilang dako, pinapurihan din ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, ang 225,000-strong gallant men and women ng PNP sa pagiging propesyunal, may integridad at commitment sa kanilang mandato lalo na ang pagpapatupad sa batas.
“On our 31st year of shining service as the country’s national police force, we introduced a new level of professionalism and competency. We continuously delivered effective police operations and investigation amidst the pandemic. This outlook is made more tangible as we increase police presence by maximizing the deployment of personnel for preventive patrol and PCR operations in communities where their services are much needed. Through such actions, we have strengthened our campaign against illegal drugs, crime, terrorism, and corruption while also fighting the unseen enemy in this health crisis”, pahayag ni Gen Carlos.
Sa kabilang dako, sa panig naman ni PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, nagpahayag ito ng taos pusong pasasalamat sa sambayanang Pilipino sa patuloy na pagtitiwala sa PNP.
“Asahan po ng ating mga minamahal na kapwa Pilipino na narito ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas na katuwang ninyo hindi lamang bilang mga tagapagbantay at tagapagpanatili ng kaayusan sa komunidad kundi bilang isang organisasyon na tumutulong sa ating mga maralitang kababayan sa lahat ng panahon at oras,” pahayag ni PLt. Gen. Vera Cruz.
Binigyang-diin din ni Vera Cruz, na malaking hamon sa PNP ang kinakaharap na Covid-19 pandemic.
Ayon sa Heneral, sinubok din ng pandemya ang kakayahan ng Philippine National Police (PNP) sa pagtugon sa nakamamatay na virus at ang pagganap sa kanilang mandato.
Binigyang pagkilala din ni PLt.Gen. Vera Cruz, ang mga personnel na tumulong sa search, rescue and recovery assistance lalo na pinsala na iniwan ng Bagyong Odette.
Aniya, mananatili ang momentum ng PNP lalo na sa kampanya laban sa insurgency, illegal drugs at terorismo.
” As law enforcers, the entire PNP family shall strive to become beacons of hope,servants of God and vanguards of altruistic police service as we work to maintain peace and security towards the shared goal of sustainable and equitable progress,” pahayag ni Vera Cruz.
Samantala, highlight sa nasabing aktibidad ang Wreath Laying Ceremony sa Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa bilang pagkilala sa heoic deeds ng mga namayapang bayani ng PNP.