-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y natanggap na death threat ni Presidential aspirant Bong Bong Marcos.


Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos.

Humingi kasi ng tulong mula sa PNP ang kampo ng dating senador hinggil sa umano’y death threat sa kaniya.

Ayon kay Gen. Carlos, may tinanggap siyang text message mula sa isang Liaison sa kampo ni Marcos hinggil sa nasabing impormasyon.

Agad nila itong isasailalim sa Validation kung may katotohanan.

Bahagi umano ito ng kanilang naisin na lahat ng mga kandidato sa May, 2022 election ay protektado.

Una nito ay nabulgar ang umano’y Death Threat kay dating senador Marcos na nabuking umano ng kaniyang mga supporters sa pamamagitan ng Social Media Platform na TIKTOK.

Sinabi ni Carlos na nais nilang magkaroon ng payapayang halalan sa Mayo kayat sino mang aniyang pulitiko ang nakakatanggap ng banta sa buhay ay kailangang tulungan.

Binigyang-diin pa ni PNP Chief na nananatiling apolitical ang PNP ngunit kailangan nilang gawin ang kanilang trabaho.


Bukod sa PNP, nag iimbestiga na din ang Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI).