-- Advertisements --

Todo pasasalamat ang liderato ng Philippine National Police kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos sabihin na gagawin silang prayoridad kasama ang mga sundalo sa pagdating ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay PNP spokesperson B/Gen. Brandi Usana, tama lang na mauna sila sa bakuna dahil sila kasi ay kasama sa mga frontliner na nagbibigay serbisyo sa publiko.

PNP Isabela

Maliban dito, sila rin ay unang hinahanap sa oras ng pangangailangan.

Matatandan na una nang ipinaliwanag ni Duterte na dapat malusog ang mga pulis at sundalo para mangasiwa sa vaccination program ng gobyerno.

Kapag kasi aniya nagkasakit ang mga sundalo at pulis, wala na siyang mauutusan.

Sa ngayon sumampa na sa 7,957 ang naitalang COVID-19 cases ang PNP.

Sa nasabing bilang 395 ang active cases kung saan 26 na ang nasawi.

Nasa 7,536 naman na mga pulis na infected ng virus ang gumaling na sa ngayon.

Sa datos ng PNP Health Service nasa 66 na bagong kaso ang naitala ngayong araw.