Maguumpisa na ring manita ng mga motoristang nagtatakip ng kanilang mga plaka ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) bilang suporta sa patuloy na umiiral na patakaran ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Metro Manila.
Ayon kay PNP-HPG Spokesperson, PLt. Dame Malang, ito ay magsisislbing tulong sa MMDA at maging sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko sa lansangan.
Binigyang diin naman ni Malang na ang mga berepikasyon ng mga plaka ng mga motorista at mga maaaring batas na kanilang nilabag ay nakasalalay na sa mandato ng LTO at MMDA at hindi na para lumabas pa ang HPG kanilang mandato.
Nauna naman na dito ay kung mas lumala pa ang sitwasyon at magkaroon ng mas malaki pang violation ang mga motoristang mahuhuli at kung sakali ring mapagalamang mayroong outstanding warrant laban sa mga ito ay agad naman na aksyon ang kanilang mga hanay sa mga lansangan upang rumesponde agad.
Samantala, para naman sa ibang mga areas na hindi sakop ng NCAP ay magtatalaga naman ang HPG ng kanilang hanay para sa patuloy na pagtulong nito sa pagpapatupad ng mga batas trapiko at para na rin manita pa ng iba pang mga motorista na hindi pa rin sususnod sa implementasyon ng NCAP.
Sa kabila naman nito ay may nakalaan ding mga hanay ng kanilang yunit sa mga malalaking bahagi ng bansa para sa pagpapairal naman ng mas pinalakas na police visibility sa buong bansa.
Sa kasalukuyan naman ay patuloy na nakikipagugnayan ang HPG sa LTO at MMDA para sa kung ano pa ang mga maaaring assistance na maipapaabot ng kanilang hanay para sa striktong impkementasyon ng NCAP sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.