Hawak na ng Caloocan City PNP ang isa sa mga person of interest o suspek na pumaslang sa isang nursing student at dalawang nursing graduates.
Sinabi ni Caloocan City police chief Dario Menor, sumuko sa mga kasapi ng Criminal Investigation and detection (CIDG) sa Ormoc, Leyte ang suspek na si Anselmo Singcol isang construction worker at naninirahan sa Ormoc.
Itinanggi ng Singcol na siya ang mastermind at ang itinuturong pangunahing suspek ay isang alyas RonRon.
Magugunitang natagpuang patay sa ginagawang bahay ang tatlong biktima na sina Mona Ismael, 22; Glydel Belonio, 28, at Arjay Belencio, 22, na tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan.
Sa ngayon patuloy pa ring hinahanap ng mga otoridad ang mga suspek na sina Adonis at Alden Singcol at Dingding Sarmiento.