-- Advertisements --

Handang tulungan ng Philippine National Police (PNP ) ang Department of Justice (DOJ) kapag nakabalik na sa bansa si dating Negros Oriental 3rd Dist.Rep.Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil na wala pa silang ideya sa ginagawang paghahanda ng DOJ.

Pero natitiyak niya na agad silang tutulong sa DOJ kung nakarating na sa bansa si Teves.

Bukod sa PNP escorts ay nakahanda rin ang kanilang mga custodial facility.

Magugunitang nitong madaling araw ng Martes ng inaresto si Teves sa bahay nito sa Dili, Timor-Leste.

Hindi naman malinaw sa DOJ kung bakit naaresto si Teves dahil sa maaari itong undocumented foreigner matapos na makansela ang pasaporte o ang exradition request ng Pilipinas sa Timor-Leste.

Nahaharap sa kaso si Teves matapos na ituro na siya ang nasa likod ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.