-- Advertisements --

mobile

Pinalakas pa ng PNP ang kanilang land mobility fleet, matapos madagdagan ito ng mga bagong biling sasakyan.

Pinangunahan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagpapasinaya ng P800 milyong halaga ng mga bagong sasakyan ng PNP, ngayong araw.

Ang 240 bagong sasakyan ay binili gamit ang pondong nakalaan para sa Capability Enhancement Program 2021 ng PNP.

mobile4

Ayon kay PNP acting Director for Logistics, Brig. Gen. Ronaldo Olay, ang mga utility trucks ay ipapamahagi sa limang Area Police Offices sa North Luzon, Southern Luzon, Visayas, Eastern Mindanao at Western Mindanao.

Sa kasalukuyan ang PNP ay nagmamantine ng fleet of 20,000 ground mobile assets na nagrirepresenta sa 53% sa required 37,000 units para suportahan ang mga police operations sa buong bansa.

mobile2