Dumepensa ang Philippine National Police (PNP) sa mga batikos na kinakaharap nito ukol sa nabili nilang firearm simulator system.
Ang nasabing simulator ay para mapabuti ang paghawak ng baril ng mga kapulisan ng hindi gumagamit ng tunay na bala.
Mas mura aniya ito kumpara sa pagsasanay sa mga pulis ng tamang paghawak ng baril at paggamit ng mga tunay na bala sa kanilang mandatory marksmanship training sessions kada taon.
Paliwanag ng PNP na limitado lamang ang bala na maibibigay nila sa mga kapulisan na sumasailalim sa training sessions na kinabibilangan ng 228,000 na kapulisan.
Umaabot kasi sa P500 milyon ang nagagastos ng PNP kada taon tuwing mayroong pagsasanay na gumagamit ng tunay na bala.
Habang ang firearm simulator ay galing sa US na nagkakahalaga ng nasa P6-milyon.
Batikos ng ilang mga mamamayan na hindi makatotohanan at parang naglalaro lamang ng computer games ang mga kapulisan gamit ang nasabing simulator.














