Nadagdagan pa ng isa ang namatay sa Philippine National Police (PNP) dahil sa COVID 19.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at Administrative Support to COVID 19 Task Force (ASCOTF) commander Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, isang 34-taong gulang na Police Corporal ang nasawi.
Ang nasawing pulis ay naka-assign sa 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company.
Napag alaman na hindi bakunado at may comorbidity at nakikipaglaban sa sakit na Metastatic Adenocarcinoma, cancer of the bone simula pa nuong nakaraang taon.
Sinabi ni Eleazar nagpositibo ang nasabing pulis nuong September 13 at naka home quarantine dahil walang available na quarantine facility at September 19 binawian siya ng buhay.
Dahil dito, umabot na sa 114 ang nasawi sa COVID 19 PNP.
152 naman ang kanilang bagong kaso at 235 ang mga bagong gumaling.
Sa kabuoan, 2, 244 na ang aktibong kaso ng COVID 19 sa PNP.
Samantala, as of September 22, nasa 142,398 or 63.94% police personnel na ang fully vaccinated habang 71,029 or 31.90% ang nakatanggap na ng kanilang first dose.