-- Advertisements --

Isang Police commissioned officer ang namatay dahil sa Covid 19 deadly virus.

Ayon sa PNP Health Service, ang pulis na pumanaw nitong Lunes ay isang lalaking may edad 54-anyos na opisyal ng Regional Maritime Unit 10 na pumanaw nuong October 5.

Dahil dito umakyat sa 18 ang bilang ng PNP personnel na nasawi dahil sa Covid 19.

Samantala, nasa 6227 na ang bilang ng PNP personnel na nagpositibo sa Covid 19 matapos na makapagtala ng 32 bagong kaso.

13 sa mga ito ay sa NCRPO, 6 sa PRO5, 5 sa PRO3, 4 sa PRO4A, 2 sa National Operational Support Units, at tig-isa sa PRO 10 at PRO-Cordillera.

Umabot naman sa 5,240 ang bilang ng mga PNP personnel na gumaling mula sa sakit matapos makapagtala ng 121 bagong recoveries kagabi.

Dahil dito bumaba na sa 969 nalang ang aktibong kaso ng Covid sa hanay ng PNP mula sa mahigit isang libo kamakalawa.