-- Advertisements --

ascotf1

Nakapagtala ng pitong bagong Covid-19 cases ngayong Miyerkules ang Philippine National Police (PNP) mas mababa ito kumpara sa naitalang kaso kahapon na sumampa sa 29.

Patuloy naman sa pagbaba ang active cases sa PNP na ngayon ay nasa 137, habang nasa 37 ang naiulat na bagong recoveries, nananatili naman sa 125 ang death toll.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander, Lt.Gen. Joselito Vera Cruz, kaniyang sinabi ang pagtaas ng bagong kaso kahapon sa PNP na sumampa sa 29 ay mula sa mga Police Regional Police Offices partikular sa Police Regional Office 12 na may siyam na naitalang bagong kaso.

” Sa PROs yung bulk nitong 29 new cases Anne. Sa PRO12 yung pinaka marami at 9 new cases,” mensahe ni Lt. Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Sa kabilang dako, nasa 92.25% o 208,238 ang fully vaccinated PNP personnel habang nasa 6.58% o 14,854 ang nakatanggap ng kanilang first dose at naghihintay ng kanilang second dose.

Unti-unti namang nakukumbinsi ng PNP ang mga pulis na tumanggi magpa bakuna.

Sa datos ng Health Service, ilan sa mga tumanggi magpa bakuna ay pumayag na maturukan ng Covid-19 vaccine.

Sa ngayon nasa 1.17% o nasa 2,636 personnel ang hindi pa nabakunahan.

Sa nasabing bilang 859 dito ay mayruong valid reasons habang nasa 1,777 ang sadyang ayaw talaga magpabakuna.

Una ng sinabi ni Lt.Gen. Vera Cruz, patuloy ang ginagawa nilang paghikayat sa mga personnel na may vaccine hesitancy.

” Wala pa rin naman kami basis to compel the mandatory vaccination among our personnel,” pahayag ni Vera Cruz.

ascotf

Samantala, inihayag naman ni Vera Cruz na kanila ng pinag-aaralan ang pagbukas ng bahagi ng kanilang mga gym para magamit na rin ito sa mga non contact sports gaya ng badminton at tennis ngayong pinapayagan na ng IATF ang ganitong mga aktibidad sa ilalim ng Alert Level 2.

I-mantine pa rin ng PNP ang kanilang mga treatment at isolation facilities kahit mababa na ang mga naitalang Covid-19 cases.

” Retain pa as of now yung ating mga treatment/isolation facilities but we are already considering the possibility of opening portion of the gym to allow non contact sports like badminton & tennis,” mensahe pa ni Vera Cruz.

Giit ng Heneral na hindi nila basta basta i-dismantle ang kanilang mga treatment at isolation facilities dahil maraming mga factors ang dapat na ikunsidera.

” Though we are more than 90% fully vaccinated, we have to consider the effect of the opening of the economy, the availability of booster shots for our personnel and current Covid19 trends abroad before we consider reducing the number of our treatment/isolation facilities,” dagdag pa ni Lt.Gen. Vera Cruz