-- Advertisements --

dickson1
PNP TDCO, PLT Gen. Israell Ephraim Dickson

Pinatitiyak ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sa mga Public Information Officers (PIOs) ng Philippine National Police (PNP) na siguraduhin na ang kanilang concerted efforts ay maging epektibo lalo na duon sa pagbibigay ng proteksiyon at seguridad sa mga media workers.


Nasa 133 PIOs ng PNP ang itinalaga bilang mga point person upang maging sumbungan ng mga isyu sa seguridad ng mga miyembro ng media na magco-cover sa 2022 National and Local Elections.

Ito ang inihayag ni PNP Chief, matapos na I-deputize ang mga naturang PIO ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) bilang mga “Media Security Vanguards”.

Sa mensahe ni PNP Chief na binasa ni PNP Deputy Chief for Operations (TDCO) PLT.Gen. Israel Ephraim Dickson nuong Biyernes sa isinagawang Launching ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Vanguards, binigyang diin nito ang kanilang adbokasiya ang transparency, accountability at public right to information at ang kahalagahan na magtrabaho ng may pagkakaisa para makamit ang layunin.

” We need to act in unison as we move forward together with vigor and resilience to better address this challenge and help boost the government’s campaign against politicial viciousness and in expediting the resolution of cases against journalists,” pahayag ni Lt.Gen. Dickson.

Ayon pa kay Dickson, ang nasabing aktibidad ay isang significant milestone lalo na sa pagtugon sa mga election-related incidents at krimen na kinasasangkutan ng mga mga media workers.

” The continuing attack on media workers is not only an affront to press freedom and free expression but also robs the Filipino people of a democratic system that fosters a reformed electoral process free from violence, threat and intimidation,” dagdag pa ni Lt.Gen. Dickson.

Una ng itinalaga ni Gen. Carlos si PNP Spokesperson PBGen. Roderick Augustus Alba bilang overall focal person sa National Headquarters na direktang makikipag-ugnayan sa PTFoMS.

Habang ang mga Regional PIO Chiefs naman aniya ang in mamamahala sa mga “PNP media vanguards” na sakop ng kanilang rehiyon.

Inatasan din ng PNP Chief ang lahat ng 1,890 Chiefs of Police sa buong bansa, na maging “operating arm” ng mga “PNP Media Vanguards” sa pag-aksyon sa mga isyu na may kinalaman sa seguridad ng mga mamamahayag.

Sa paglulunsad ng “PNP Media Security Vanguards”, sinabi ni PTFoMS Executive Director, Undersecretary Joel Sy-Egco na ang proteksyon ng mga mamahayag ay bahagi ng state policy na nakasaad sa Administrative Order No. 1 series of 2016, na inisyu ng Pangulong Rodrigo Duterte.