Tiniyak ni PNP Chief PGen Archie Francisco Gamboa na sasakay pa rin siya ng chopper sa kabila ng kaniyang naging karanasan noong nakaraang Huwebes na bumagsak ang sinasakyan nitong Bell 429 chopper sa Laguna.
Ayon kay Gamboa, aksidente ang nangyari at walang may gusto sa insidente.
Itinanggi nito ang mga lumalabas na ispekulasyon na sinadya o sinabotahe ang pagbagsak ng chopper.
Ipinauubaya na rin ni Gamboa sa SITG ang imbestigasyon at hiling na hintayin lumabas ang resulta ng imbestigasyon.
Nitong Lunes ng umaga ay muling nagpulong ang SITG at may mga inimbitahan na silang resource persons na mga experto na makapagbibigay linaw sa nasabing aksidente.
Tumanggi muna si Gamboa na ihayag sa media ang nangyari dahil hindi pa siya nagbibigay ng kaniyang opisyal na testimonya.
Kwento nito na kapag sumasakay sa chopper ang PNP chief ay may preferred seats pero ang dahilan lamang kung bakit napunta siya sa kanang bahagi ay dahil sa mainit.
Sa ngayon grounded pa rin ang mga choppers ng PNP.
Sa kabilang dako, bumubuti na rin ang kondisyon nina MGen. Mariel Magaway at MGen. Jovic Ramos na kasalukuyang nasa ICU pa ng Asian Hospital.