-- Advertisements --

soco2

Inatasan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga pulis sa Eastern Visayas na palakasin pa ang kanilang anti-insurgency campaign at hanapin ang mga landmine factories ng CPP/NPA.

Ito’y kasunod sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga operating troops ng 8th Infantry Division at ang pagkakadiskubri sa pagawaan ng anti-personnel mines o landmines sa Dolores, Eastern Samar na ikinasawi ng 19 na NPA members.

Mariing kinokondena ng PNP ang patuloy na paggamit ng rebeldeng NPA ng mga anti-personnel mine na isang paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) kung saan kabilang sa biktima dito ay ang FEU football player na si Keith Absalon na namatay dahil sa landmine.

soco3

Siniguro naman ni Eleazar na hindi titigil ang PNP at AFP hanggat hindi tuluyang napipigilan ang mga pag-atake at panggugulo ng nga mga rebelde..

“I have tasked all police units in the area to be on heightened alert to thwart attacks by these rebels who have been targeting innocent civilians,” pahayag ni Gen. Eleazar.

Naniniwala si Eleazar na dahil sa desperado na ngayon ang komunistang grupo, at kanilang pinapalabas na malakas pa rin ang kanilang pwersa sa kabila ng pagdami ng kanilang mga dating kasamahan ang nagbalik-loob o sumuko na sa pamahalaan.

Hinimok naman ni PNP chief ang publiko na ipagpatuloy ang pagbibigay ng impormasyon sa mga otoridad hinggil sa presensiya ng komunistang grupo sa kanilang mga lugar.