-- Advertisements --

culiat1

Walang na-monitor at naitalang untoward incidents ang PNP sa paggunita ng Eidl Fitr ng mga kababayang Muslim ngayong araw batay sa monitoring at assessment ng Philippine National Police.

Inatasan naman ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang lahat ng police commanders na palakasin ang kanilang ugnayan sa mga Muslim community leaders.

Ito ay upang maipakita na maaring magkaroon ng mapayapang samahan ang mga Kristyano at Muslim sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Eleazar, ganito ang ipinatupad niya noong siya ang district director ng Quezon City, at naging epektibo ito sa pagmantini ng peace and order sa mga Muslim community.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP chief sa kaniyang pagbisita sa Salaam Compound Brgy Culiat, Quezon City, kaninang umaga kung saan pinangunahan din niya ang paglulunsad ng Barangayanihan Food Bank bilang bahagi ng paggunita ng Eid’l Fitr.

culiat2

Pinuri din ng PNP chief ang mga lider at residente ng Salaam Compound sa kanilang tuloy tuloy na kooperasyon sa PNP na nakapagbago sa dating mga negatibong pananaw sa mga Muslim.

“Kahit anuman ang ating paniniwala, ang dugong Pilipino ang siya pa ring nananalaytay sa ating mga ugat. Gawin natin itong isang magandang instrumento upang maabot ang ating mithiiin na tunay na kapayapaan at progreso ng ating bansa,” pahayag la ni PNP chief Eleazar.

Binigyang diin ni Eleazar na anuman ang paniniwala, pare parehong dugong Pilipino ang nananalaytay sa bawat mamamayan.

“This good working relationship became a proof that our barangay clustering system, a strategy to effectively manage anti-illegal drugs and anti-criminality campaign, is really working. This became my inspiration to replicate this across the country,” wika pa ni Gen. Eleazar.

Isinusulong din ni PNP chief ang clustering sa mga barangays ng sa gayon mas maging madali ito sa mga pulis at barangay officials na epektibong ipatupad ang anti-drugs and anti-criminality programs.

Paliwanag ni Eleazar na ang bawat cluster ay magkakaroon ng Neighborhood Watch Group na siyang magmo-monitor sa presensiya ng mga illegal drug personalities at iba pang mga criminal elements na siyang magre-report sa police para agad na maaksiyunan.

Samantala, kasunod naman ng insidente kung saan may nag-vandalize sa MRT-3 kahapon, tiniyak ni Eleazar ang tulong ng PNP para mapanagot ang indibidwal na gumawa nito.

Sinabi ni Eleazar na mag-iimbestiga ang PNP hinggil sa insidente.