-- Advertisements --

NAGA CITY- Labis ang pasasalamat ni PNP Chief, Police General Archie Francisco Gamboa sa Panginoon at kay Nuestra Señora de Penafrancia sa pangalawang buhay na ibinigay para rito.

Sa pagharap ni Gamboa sa mga kagawad ng media, sinabi nito na ang pagdalo niya ng banal na misa sa Basilica Menore sa Naga City ay isa sa kanyang paraan ng pagpapakita ng kanyang pagiging isang deboto.

Ayon kay Gamboa, nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nag-alay ng panalangin sa kanyang mabilis na recovery.

Dagdag pa nito, hindi rin niya makakalimutan ang mga tolong at pagsisikap ng mga kapulisan at iba pan ahensya.

Ang naturang misa ang pinangunahan ni Fr. Joey Gonzaga ng Holy Rosary Major Seminary na dinaluhan ng pamilya ni Gamboa at iba pang mga high raking officials ng mga kapulisan at mga ahensya ng pamahalaan.